-- Advertisements --

Nakatakdang labanan ni Japanese boxer Naoya Inoue si American boxer Stephen Fulton.

Gaganapin aniya ang laban ng dalawa sa Yokohama sa buwan ng Mayo.

Ayon sa 29-anyos na undefeated boxer na nakataya dito ang kaniyang WBC at WBO super-bantamweight belt.

Siya ang naging unang undisputed world bantamweight champion ng talunin si Paul Butler ng England noong Disyembre para madagdag ang WBO title mula sa kaniyang WBC, WBA at IBF belts.

Binakante nito noong Enero ang titulo para umakyat ang timbang sa super-bantamweight division.

Mayroon itong record na 24 panalo at wala pang talo na mayroong 21 knockouts.

Ang 28-anyos na si Fulton ay isa sa dalawang world champions sa super-bantamwieght division na ang isa ay hawak ni Murodjon Akhmadaliev ng Uzbekistan na mayroong WBA at IBF belts.