-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang Japanese world number 1 sa Badminton na si Kento Momota.
Dahil dito ay tuluyan na itong umatras sa pagsali sa Thailand Open na gaganapin ngayong buwan.
Sinabi ng Badminton Association ng Japan na nagdesisyon sila na huwag ng pasalihin si Momota matapos ang paglabas ng resulta nito na positibo siya sa COVID-19.
Ang nasabing torneo sana ang unang sabak ni Momota matapos ang halos isang taon na hindi paglalaro matapos maaksidente ang kaniyang kotse kung saan nagtamo ito ng matinding pinsala sa katawan.
Lumabas ang balita na nagpositibo ang 26-anyos na si Momota habang ito ay nasa Narita airport na patungo sana na sa Thailand.