-- Advertisements --

Nagkumahog ang fighter jets ng Japan para itaboy ang mga eroplano ng China at Russia na lumipad sa kanilang teritoryo.

Sinabi ni Japanese Defense Minister Nobuo Kishi, nagsagawa ng military exercises ang China at Russia sa Japan Sea habang isinasagawa ang “Quad” meeting sa kanilang bansa.

Ang nasabng Quad ay binubuo ng US, Japan, India at Australia na ginanap ang pagpupulong sa Tokyo.

Dagdag pa nito na habang maraming bansa ang komokondina sa ginawa ng Russia sa Ukraine ay hindi dapat makisawsaw ang China.

Itinuturing umano ng Japan na isang paghamon sa kanila.

Kinumpirma rin ng Ministry of Defense ng China ang ginawa nilang joint strategic air patrols nila ng Russia sa Sea of Japan.

Depensa pa ng China na ito ay taunang joint patrol at military cooperation plan sa pagitan ng dalawang bansa.