-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan ang gobyerno ng Japan para magbigay ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Paeng sa Pilipinas.

Sa ipinaabot na mensahe ni Japan Foreign Affairs Minister Hayashi Yoshimasa kay Philippine Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, nagpahayag ito ng pakikiramay sa mga biktima at naiwang pamilya dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyo at nagpaabot din ng taus-pusong dasal para sa mabilis na recovery ng mga apektado nating mga kababayan at mabilis na restoration sa mga apektadong lugar.

Kung matatandaan, base na rin sa latest data ng gobyerno, tumaas pa sa 110 katao ang nasawi dahil sa nagyong Paeng habang nasa 62 katao ang sugatan at 23 indibidwal ang nawawala.

Umabot na rin sa P1.2 billion ang naitalang halaga sa lawak ng pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura at P760 million naman sa sektor ng imprastruktura.