-- Advertisements --
image 297

Ipinag-utos ng ni Japanese Defense Minister Yasukazu Hamada kanilang militar na barilin ang spy satellite ng North Korea sakaling mahulog ito sa loob ng kanilang teritoryo.

Kasama sa mga paghahanda ang paggawa ng mga arrangements para sa pag-deploy ng mga tropa sa southern prefecture ng Okinawa upang mabawasan ang posibleng idulot na pinsala sakaling mahulog ang ballistic missile.

Nakaalerto din ang Japanese Self Defense Forces para sa anumang debris mula sa rocket na posibleng mahulog sa teritoryo ng Japan.

Magdedeploy din ang Japanese military ng ground-based Patriot Advanced Capability-3 interceptor missiles at Aegis-equipped destroyer warships na may kargang sea-based Standard Missile-3 interceptor projectiles.

Matatandaan una ng inihayag ng North Korean leader na si Kim Jong Un na desidido itong ituloy ang paghahanda para sa nakaplanong paglulunsad ng unang spy satellite ng kanilang bansa upang labanan ang mga nakikitang banta mula sa Estados Unidos at South Korea.