Inanusiyo ng Japan na luluwagan na ang border control restrictions para sa mga dayuhang turista simula sa Oktubre 11 makalipas ang dalawa at kalahating taon nasa covid-19 pandemic.
Ayon kay Prime Minister Fumio Kishida, na kasalukuyan ding nasa New York city para sa United Nations General Assembly, ito ay alinsunod sa naging hakbang ng Amerika. Liban pa dito, ibabalik na rin ang visa-free travel sa naturang bansa at individual travel.
Ilan lamang sa mga mai-enjoy ng mga turista na mag-tutungo sa Japan ang mahinang halaga ngayon ng yen na sumadsad sa pinakamababang halaga kontra dolyar.
Ang pagbabalik naman ng visa-waiver program na sinuspendi noong March 2020 ay magpapanumbalik sa ease of access na nakapagtala ng 31.9 million foreign visitors sa kanilang bansa noong 2019.