-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng kumpanyang Shionogi & Co Ltd. sa Japan na mayroong mabilis na epekto ang kanilang gamot laban sa COVID-19.
Ayon sa datus ng Japanese drug maker na mabilis nitong pinapagaling ang mga nagpositibo sa COVID-19.
Patuloy na ini-evaluate ng mga Japanese regulators ang nasabing S-217622 pill ng nasabing kumpanya.
Plano ng kumpanya na ilunsad ito sa buong mundo para makatulong sa ibang bansa na lumalaban sa nasabing virus.