Pursigido ang Japan na maipagpatuloy ang kanilang momentum sa kakatapos lamang na Summer Games hanggang sa mga susunod na Olympics sa Paris sa 2024 at Los Angeles sa 2028.
Sinabi ito ng deputy delegation head ng Japan na si Mitsugi Ogata matapos na makuha ng kanilang mga atleta ang 27 gold medals sa 2020 Tokyo Olympics, pinakamarami sa kasaysayan ng bansa.
Noong 1964 at 2004, aabot sa 16 gintong medalya ang nasungkit ng Japan, habang 12 naman lumang taon ang nakalipas sa Rio de Janeiro.
Kabilang sa mga nasungkit na gintong medalya ng Japan sa Tokyo Olympics ay mula sa limang sports na idinagdag sa Olympic program: baseball-softball, sports climbing, karate, surfing at skateboarding.
Tig-isang gintong medalya ang nakuha ng Japan sa baseball at softball, tatlo sa skateboarding, at isa pa sa karate.
Sa 58 overall medals na mayroon ang Japan, 14 ang mula sa sports na idinagdag para sa Tokyo Olympic program.