-- Advertisements --
Hiniling ng gobyerno ng Japan sa US na huwag ng gamitin ang kanilang Osprey hybrid planes.
Kasunod ito sa naganap na aksidente kung saan bumagsak ang nasabing eroplano sa karagatang bahagi ng Japan na ikinasawi ng isang tao.
Dagdag pa ng Japan na maaring makabalik sa operasyon ang nasabing eroplano kapag makumpirmang ito ay tuluyang ligtas na ng gamitin.
Unang ipinakilala ang eroplano noong 2007 kung saan ito ay gumagana bilang helicopter at turboprop aircraft.