-- Advertisements --

Nakatakdang bumili ang Japan ng 400 Tomahawk missiles mula sa US.

Kinumpirma ito ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida bilang pagpapaigting ng kanilang depensa laban sa banta ng ibang bansa kabilang na ang China.

Binanggit nito ang plano sa lower house budget committee.

Noong nakaraang mga linggo kasi ay sinabi ng kanilang defense minister na naglaan ang kanilang gobyerno ng nasa $1.5 bilyon para makabili ng mga missiles.

Una ng sinabi ni Kishida na nais nilang palawigin ang defense capacity nila para masabayan ang lumalaking military defense din ng China.