Hinamon ni Janella Salvador ang kanyang dating personal assistant matapos siyang akusahan na hindi kompletong ibinigay ang huling suweldo nito.

Ayon sa 22-year-old actress, una at huling beses lang siyang papatol sa nasabing akusasyon dahil aksaya lamang ito ng kanyang oras.

Giit lang ni Janella, masyadong maliit ang P3,600 para ito ay kanyang ipagkait at katunayan ay ibibigay niya na lamang ito sa karapat-dapat na tao lalo sa panahon ng coronavirus crisis.

Hindi na nagbigay ng dagdag na detalye ang aktres kung bakit hindi na niya PA ang nagngangalang Michelle Pelongco.

Una rito, inireklamo ni Michelle si Janella dahil hindi pa raw nababayaran ang kanyang 12 araw na pagtatrabaho bago pinaalis sa serbisyo.

Dati raw siyang “stay-in kasambahay” at sumasahod ng P8,000 kada buwan pero ginawa umano siyang PA ng aktres na palaging kasama sa mga taping.

Kung maaalala, si Janella ay dating girlfriend ng celebrity ding si Elmo Magalona pero ngayon ay nali-link kay Joshua Garcia.