-- Advertisements --

Kinumpirma ni Janella Salvador na hiwalay na sila ng actor na si Markus Paterson.

Sinabi nito na mag-isa na lamang niyang pinapalaki ang anak nilang si Jude.

Ikinokonsidera ngayon ang ina na si Jenine Desiderio bilang inspirasyon dahil pinalakiy siya nito na mag-isa at walang katuwang sa buhay.

Noong nakaraang mga buwan ay nanghinala ang fans ng actress matapos na hindi na sila nagpost ng mga larawan na magkasama.

Noong Setyembre 2020 ng kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon at matapos ang ilang buwan ay ipinakilala na nila ang anak sa publiko.