-- Advertisements --
Puspusan ang isinasagawang pagsasanay ni NBA star player na si Lebron Mames para makapag laro itong muli kasama ang Los Angeles Lakers.
Sa kabila nito ay itinatanggi naman ni Lebron ang mga ulat na nagsasabing may target date na umano ito kung kailan ito babalik sa paglalaro bago matapos ang regular season ng NBA.
Matatandaang naiulat ang posibleng pagbabalik ng Lakers superstar sa ibat-ibang media outlet sa US.
Una rito, si James ay hindi nakapaglaro dahil sa pinsalang natamo sa kanyang paa noong nakaraang buwan.
Umaasa naman ang Lakers na makababalik na si James sa paglalaro para sa final season ng NBA.
Si James ay mayroong average points na 29.5 points, 8.4 rebounds at 6.9 assists kada laro bago ang naturang injury