Naghahanap na ng malilipatan si NBA Star James harden, matapos na piliing maging mga free agent para sa NBA 2023-2024 season.
Dahil dito, nakikipag-usap na ang Philadelphia 76ers sa iba pang mga koponan upang mailipat ang batikang shooter.
Batay sa report ng mga NBA insiders, mas pinili ni Harden ang free agency, kaysa sa manatili sa Sixers, sa likod ng posibleng $210Million four-year deal sana dito.
Ito ay dahil na rin umano sa pagnanais ni Harden na manalo ng isang kampeonato, kasama ang isang malakas na team.
Sa kasalukuyan, 33 yrs old na si Harden, at hindi pa pinapalad na mag-uwi ng kampeonato, sa likod ng paglalaro kasama ang mga bigating NBA stars, katulad nina Kevin Durant, Chris Paul, Joel EMbid, Kyrie Irving, at iba pa.
Siya ay sampung beses nang nakapaglaro sa NBA All Star, at miyembro ng NBA 75th Anniversary team
Sa ngayon, wala pang katiyakan kung anong team ang pipiliin ni Harden, at kung magkano ang magiging offer sa kanya, matapos ang ginawang desisyon.