-- Advertisements --
Nakuha ng Los Angeles Clippers mula sa Philadelphia 76ers si James Harden.
Kasama ni Harden na lumipat sa Clippers sina P.J. Tucker at Filip Petruslev.
Kapalit nila na mapupunta sa Sixers sina Marcus Morris, Robert Covington, Nicolas Batum, K.J. Martin at ang 2028 unprotected first-round pick, dalawang second round pick at 2029 draft-pick swap at dagdag na first-rounder mula sa third team.
Ayon sa dalawang koponan na hindi pa pinal ang detalye ng nasabing trade.
Una ng nangako ang 34-anyos na si Harden na hindi ito maglalaro sa Sixers matapos na makaalitan nito ang pangulo ng koponan na si Daryl Morey subalit kailangan pa nito maglaro ngayong season.
Pinili kasi ni Harden ang $35.6 milyon na contract option sa Hunyo.