-- Advertisements --

Inanunsiyo ng British comedian at actor na si James Corden na aalis na siya sa kaniyang show sa susunod na taon.

Sa tape recording, inamin ng actor turned US talk show na aalis na siya sa “The Late Late Show”.

Hinawakan nito ang nasabing show mula pa noong 2015.

Minana lamang niya ang nasabing show mula kay Craig Ferguson noong 2015.

Dagdag pa nito na naging mahirap para sa kaniya ang nasabing desisyon.

Sa nasabing show ay ipinakilala niya ang mga segments gaya ng “Drop the Mic” at “Carpool Karaoke” na kasama ang ilang mga sikat na singer na sina Adele at Prince Harry.