-- Advertisements --
Ibinunyag ng actress na si Olga Kurylenko na ito ay nadapuan ng coronavirus.
Sa kaniyang Instagram post, sinabi nito na nakaranas siya ng sintomas ng coronavirus at nagpositibo ito ng suriin.
Nananatili na siya ngayon sa kanilang bahay para magpa-home quarantine.
Ilang linggo itong nakaranas ng sintomas kaya minabuti na lamang niya na magpasuri.
Nakasama ang actress sa James Bond movie na “Quantum of Solace” na pinagbibidahan ni Daniel Craig at sa pelikula ni Tom Cruise na “Oblivion”.