-- Advertisements --

Ngayon pa lamang ay may kaniya-kaniyang paboritismo na ang NBA fans matapos na ianunsiyio ang mga lider na mangunguna sa NBA All-Star Games sa Pebrero.

Napili sina Los Angeles Lakers LeBron James at Milwaukee Bucks Giannis Antetokounmpo bilang maging team captains ng dalawang koponan.

Ito na ang pang-19 na pagkakataon na maglalaro sa All-star game si James na kung saan kaparehas na niya ang kapwa Lakers star na si Kareem Abdul-Jabbar.

Habang ang Bucks player ay pangatlong pagkakataon na maging All-Star captain.

Ilan sa mga napili na maglalaro sa All-Star ay sina New Orleans Pelicans forward Zion Williamson, Denver Nuggets center Nikola Jokic, Golden State Warriors guard Stephen Curry at Dallas Mavericks guard Luka Doncic.

Gaganapin ang NBA All-Star Game sa Pebrero 19 sa Salt Lake City, Utah.