Tinambakan ng Brooklyn Nets ang New York Knicks sa score na 112-85.
Nagtala ng triple double performance ang veteran superstar na si Kevin Durant na may 29 points, 12 rebounds at 12 assists.
Sumuporta naman si Seth Curry ng kanyang anim na three point shots at nagtala sa kabuuang 23 points.
Sa kampo ng Knicks nanguna si Julius Randle na may 24 points at 11 rebounds.
Sa ngayon kapwa na may tig-limang panalo ang Nets at Knicks.
Sa ibang game, nanatiling kulelat ang Houston Rockets nang talunin ng Toronto Raptors sa score na 116-109.
Naitala ng Raptors ang ikaanim na panalo habang nasadlak pa rin sa dalawang panalo pa lamang ang Rockets.
Nasayang naman ang performance ng Filipino American player na si Jalen Green na may 21 points, 6 assists at 6 rebounds.