Isang karangalan para kay Jake Zyrus o dating si Charice ang pagiging nominado ng kanyang documentary film sa 2020 International Emmy Awards.
Bahagi ang self-titled special documentary na “Jake and Charice” sa Best Arts Programming category kung saan makakalaban nito ang pambato ng Brazil, France at United Kingdom.
Ang nasabing Japanese produced documentary ay hango sa tunay na buhay at pinagdaanan ni Jake Zyrus bilang isang transman (transgender man) matapos talikuran ang buhay bilang babae.
Una na rin tumanggap ng pagkilala ang nasabing dokyumentaryo bilang gold camera award winner sa 50th US International Film and Video Festival nitong Hunyo.
Ipinalabas na rin ito sa Japan noong November 2019.
Kabilang sa mga producer ay sina: Shin Yasuda ,Akiko Tabakotani, Keiko Tsuneki, at Kenji Hyodo.
Nagsilbing director/editor si Hiroko Ninomiya.
Sa darating na November 23, 2020 gaganapin ang 48th edition ng International Emmys Award.
Taon 2018 ay engaged na ang noo’y Pinay singing sensation sa nutritionist at fitness instructor na si Shyre Aquino.