-- Advertisements --
Inalok ng YouTuber na si Jake Paul si Golden State Warriors star Draymond Green ng $10 milyon para lumaban sa boxing.
Kasunod ito ng naganap na panununtok ng 32-anyos na si Green sa kasama nito sa koponan na si Jordan Poole.
Naganap ang panununtok ng magkainitan ang dalawa sa ensayo ng koponan.
Matapos na mapanood ni Paul ang kumalat na video ay hinamon nito ang 6’6″ at 230 lbs. na si Green na maghanap ng bagong sports.
May napili na rin itong mailalaban sa pamamagitan ni Deron Williams na dating NBA player at ngayon ay boksingero na.