-- Advertisements --
Hiling ngayon ng aktor na si Jake Cuenca ang patuloy na kaligtasan ng Grab driver na tinamaan ng stray bullet kasunod ng paghabol ng mga otoridad sa sasakyan ng aktor sa Mandaluyong noong nakaraang buwan.
Kasunod na rin ito ng pagbisita ng aktor kay Eleazar Martinito noong Sabado.
Kita sa larawang ibinahagi ni Cuenca sa kanyang Instagram account na hawak ng aktor ang kamay ng delivery rider.
Nagkita raw ang dalawa sa bahay ni Martinito.
Masaya naman daw ang 33-anyos na aktor dahil nabigyan siya ng pagkakataon na madalaw ang Grab driver.
Nagpapasalamat din ito sa mga pulis na tumulong sa delivery driver na siyang naging tulay daw para magkakilala sila.