-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Bicol na nananatiling ligtas sa coronavirus disease (COVID-19) ang mga jail facilities sa rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay BJMP Bicol Health Services Division chief Dr. Jaime Claveria, maituturing pa umanong “safest place” ang mga detention cells matapos na magpatupad ng total lockdown ang BJMP sa lahat na jail facility dahil walang labas-pasok na mga bisita.

Araw-araw ring binabantayan at mino-monitor ang mga dati nang masysakit at mayroong nakakahawang ubo at sipon.

Subalit ayon kay Claveria, normal na umano sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang pagkakaroon ng ubo’t sipon dahil sa nagbbagong klima at panahon.

Samantala, wala naman aniyang dapat na ipangamba ang mga PDLs dahil sapat naman ang suplay ng pagkain at mga bitamina sa mga pasilidad sa kabila ng pinalawig na Enhanced Community Quarantine sa Luzon.