-- Advertisements --
Nagwagi pa rin ang Los Angeles Clippers laban sa San Antonio Spurs, 98-85, kahit kulang ang team ng mga players.
Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng koponan.
Si Reggie Jackson ay umiskor ng 28 points, habang si Paul George ay may 24 points at 13 rebounds.
Humabol lamang ang Clippers sa second half upang pahiyain ang Spurs.
Hindi naman nakalaro sa Los Angeles ang kanilang superstar na si Kawhi Leonard, maging sina Marcus Morris, Serge Ibaka at Patrick Beverley dahil sa injury.
Bago naman ang laro inilagay ng Clippers si Lou Williams patungo ng Atlanta Hawks kapalit ni Rajon Rondo.
Samantala gumanda pa ang record ng Clippers sa 30-16 habang may 22-20 naman na kartada ang Spurs.