Reading Time: 1 minute
Ivana

Mariing itinanggi ng sexy actress na si Ivana Alawi ang kumakalat na online post na nagsasabing nag-aalok siya ng hanggang P4.7 million escort services.

Ayon sa model turned actress, “fake news” ang nasabing post ng isang online booking agency.

Giit ni Alawi, maaaring halos hubot hubad ang kadalasang mga larawan niya pero mayroon naman siyang hangganan.

“Hubadera ako sa social media yes, but I have my limits. I earn my own money the right way,” ani Alawi.