Dismayadong dismayado ang Barcelona star na si Lionel Messi sa kanilang kampanya ngayong tayong ito sa larangan ng football.

Ayon kay Messi napakasaklap umano na maglaro sa torneyo ngayon na mistulang nasa training session ka lamang.

Lionel Messi
Messi/ IG post

Sinabi pa ng football superstar, napakasagwa ang tanawin sa mga stadiums na walang mga fans dahil sa COVID pandemic.

Ang new normal sa football ay hindi rin maitatatwa sa pagsadsad ng team ni Messi na Barca.

Ito ngayon ang worst start sa nakalipas na 33 taon.

Sa ngayon bumagsak sa ikalimang puwesto sa La Liga sina Messi.

Liban dito, nabigo rin sila na umabot sa Champions League group sa unang pagkakataon mula taong 2006.

“It’s horrible to play without fans,” ani 33-anyos na si Messi sa pahayagang Marca. “It’s a very ugly sensation.”