-- Advertisements --
Ikinokonsidera ngayon ng Italy na isara ang lahat ng mga paaralan at unibersidad.
Ito ang paraan nila para malabanan ang pagkalat ng coronavirus.
May mga ilang international schools na rin ang naglabas ng sulat na ipinapaalam sa mga magulang at guardians sa kanilang gagawing hakbang.
Sinabi naman ni Minister of Education Lucia Azzolina na magpupulong muna sila ng mga technical-scientific committee para sa nasabing plano.