-- Advertisements --
Nagtala ang Italy ng 32,573 na COVID-19 case sa isang araw.
Ayon sa health ministry ng bansa na tumaas din ang bilang ng mga nasawi na mula sa dating 93 ay pumalo na sa 119.
Mas mababa ito kumpara sa naitala noong nakaraang araw na mayroong 60,415.
Sa kabuuan ay umabot na sa 157,904 ang nasawi dahil sa COVID-19 mula noong magsimula ang pandemiya noong Pebrero 2020.
Ipinagpasalamat na lamang ng health ministry ng nasabing bansa na bumaba ang bilang ng mga nadadala sa intensive care unit.