-- Advertisements --
LAOAG CITY – Itinaas na ng gobyerno ng Italya ang inilaang emergency fund para sa mga apektado ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Demetrio Rafanan ng Rome, Italy, mula sa dating 7.5 bilyong Euro o katumbas ng mahigit P420 bilyong piso ay itinaas ito sa 25 bilyong euro o katumbas naman ng P1.3 trillion.
Sinabi niya na dahil sa lockdown sa Italya, nagsara ang mga negosyo maliban na lamang sa mga supermarket na nagtitinda ng mga pagkain at mga pharmacy.
Sa ngayon ay nasa 17,660 ang kaso ng COVID-19 habang 1,266 ang mga namatay at 1,439 ang nakarekober matapos magtamo ng sintomas ng virus.