-- Advertisements --

Pumanaw na ang Italian auto-racing champion na si Alex Zanardi sa edad na 59.

Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak subalit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye sa kamatayan ng racer.

Taong 2020 ng naaksidente siya sa handbike ng mabangga ito sa kasalubong na trak sa isang relay event sa Tuscany.

Kung saan halos 20 taon ang nakakalipas ng maputulan ito ng dalawang paa dahil sa aksidente sa auto-racing.

Nagwagi ito ng dalawang kampeonato sa CART noong 1997 at 1998 sa US bago bumalik sa Formula One.

Bumalik ito sa America at kumarera sa Germany sa CART event noong 2001 kung saan naputol ang dalawang hita nito dahil sa aksidente isang linggo matapos ang September 11 terror attacks.

Nabigyanitong prosthetics at natutong maglakad.
Pinag-aralan nito ang hand cyclingkung saan nagwagi siya ng apat na gold medals at dalawang silver sa 2012 at 2016 Paralympics.

Sumali din ito sa New York City Marathon at nagtala rin ito ng record sa Ironman.

Nanguna si Italian Premier Giorgia Meloni na nagpaabot ng kalungkutan sa pagpanaw ni Zanardi.