-- Advertisements --

Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DoH) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang inihayag ng isang opisyal mula sa organisasyon ng medical workers na marami pa umanong health workers ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang COVID-19 benefits.

Sa inilabas na pahayag ni Health Sec. Francisco Duque III, sinabi nitong mahigit P200 million na ang naipamahagi ng RITM na COVID-19 allowances mula pa noong nakalipas na taon.

Sa nabanggit na halaga, P65.9 million ay nakalaan para sa special risk allowance, P23 million para sa active hazard duty pay at karagdagang P120 million para sa pagkain, accomodation at transportation allowance.

Nakatanggap na rin umano ng kanilang allowances ang mga permanent employees at mga manggagawang contract of service.

Kasama na rito ang utility workers at security personnel sa mga COVID ward.