-- Advertisements --

Isasalang ngayong araw ng Senate committee on public services sa pagdinig ang isyu ng kalituhan sa ipinatigil na implimentasyon ng Republic Act No. 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, layunin ng hearing na mabatid kung saan may pagkukulang kaya nagkaroon ng kalituhan sa batas at kung totoong may kumita sa pagpapatupad nito.

Pinansin din nito si Land Transportation Director Atty. Clarence Guinto sa naging pagtugon sa mga nagtatanong ukol sa batas dahil sa kabiguang maipaliwang ng tama ang isyu.

Si Guinto ay naging kontrobersyal matapos nitong sagutin ang isang program host na kung may malaking 12-anyos na anak ay bumili na lang ng mas malaking sasakyan.

Kagabi ay hindi naitago ni Sotto ang kaniyang inis sa pangungutya sa kanilang ipinasang batas noong 2019.