CAUAYAN CITY- Hinikayat ang mga opisyal ng bawat barangay sa Isabela na gamitin ang mga issued dump trucks para sa isasagawang fogging at clearing operations sa mga eskwelahan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Rodito Albano ng Isabela, sinabi niya na maaring gamitin ng mga opisyal ng barangay ang mga naibigay sa kanilang dump truck sa kanilang paglilinis sa mga paaralan.
Maliban rito ay hinihikayat rin niya ang mga guro na bago pauuwiin ang mga mag-aaral ay kailangang linisin ng mga estudyante ang kanilang silid aralan at alisin ang mga naipong tubig na maaaring pamugaran ng lamok.
Tinatayang nasa Php15 million ang pondong inilaan para sa programa ng Provincial Government sa paglaban sa dengue.
Sa ngayon ay tinututukan ng pamahalaang panlalawigan ang monitoring sa mga naitatalang kaso ng dengue gayundin ang mga na-admit na dengue patient sa mga pagamutan sa Isabela.