Inakusahan ng isang key member ng war cabinet ng Israel si Prime Minister Bejamin Netanyahu ng hindi pagsasabi ng katotohanan tungkol sa mga plano ng militar sa Gaza.
Ito ay kasunod ng pagtutol ng Israeli PM sa isinusulong ng Estados Unidos para sa 2-state solution na lilikha ng independent Israel at Palestine at sa halip ay iginiit na magpapatuloy ang kanilang opensiba hanggang sa makumpleto ang kanilang pagkapanalo laban sa Palestine islamist group na Hamas.
Ayon kay retired general Gadi Eisenkot na ang nagsusulong ng absolute defeat ng Hamas ay hindi nagsasabi ng totoo.
Sinabi rin nito na ang malinaw na responsable si Netanyahu sa pagkabigong protektahan ang kaniyang bansa nang sumiklab ang October 7 attack na ikinasawi ng 1,300 katao at binihag ang nasa 240 indibidwal at nanawagan ng panibagong halalan dahil wala itong tiwala sa kasalukuyang liderato ng Israel.
Samantala, isa ang anak ng retiradong heneral sa nasawi sa labanan sa Gaza.