Siniguro ni Israeli Ambassador Ilan Fluss na ipagpapatuloy ng pamahalaan ng Israel na imonitor ang kalagayan ng mga Pinoy Workers na nakabase sa naturang bansa.
Kasabay ng pagapapa-abot ng Israeli Ambassador sa kanyang pakikiramay sa tatlong nasawing Pinoy workers, sinabi ng opisyal na tutulong ang pamahalaan ng Israel sa pamonitor sa kalagayan ng mga naiiwan pang Pilipino roon.
Samantala, nangako naman ang Israeli Ambassador na magbibigay ng tulong ang kanilang pamahalaan sa mga naulilang pamilya ng tatlong Pinoy workers.
Bagaman hindi na idinetalye ng opisyal ang mga tulong, tiniyak nito sa pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may mga governement assistance na nakahandang ipamahagi sa kanila.
Sa kasalukuyan, batay sa datus ng DFA, mayroong 30,000 na mga Pinoy workers ang nakabase sa Israel.