-- Advertisements --

Tinamaan ng airstrikes ng Israel ang Iranian state television na Islamic Republic of Iran News Network nitong Lunes.

Ito ay kasunod ng mga naunang banta mula sa Israeli Defense Minister na ang naturang state broadcaster ay nakaambang maglaho.

Nakuhanan naman sa mismong live broadcast ng state media ng Iran ang pagtama ng airstrike ng Israel sa studio. Makikita ang Anchor na si Sahar Emami na pumulas mula sa camera at itinigil ang kaniyang live broadcast nang mangyari ang explosion na nag-iwan ng debris at usok sa studio.

Subalit ilang minuto makalipas ang pag-atake ng Israel, nakabalik din ang Iranian state TV sa kanilang live broadcast subalit sa iba ng studio. Base kay Emami, nasa site ng kanilang initial broadcast ang mga “katawan ng reporters”.

Inihayag din ng broadcaster na tinatangka umano ng Israel na patahimikin ang boses ng katotohanan sa pamamagitan ng pag-atake dito.

Inako naman ng Israeli Defense Minister ang pag-atake sa naturang television studio.