Inihayag ni Israeli Defense Minister Israel Katz na iniwasan umano ni Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei ang assassination sa tinaguriang “12 day of war” sa pamamagitan ng pagtatago sa pinakailalim ng underground.
Saad pa ni Katz na pinutol ng Iran Supreme Leader ang kaniyang kontak sa mga commander na pumalit sa mga na-eliminate o napaslang na commanders.
Maaaring napaslang umano nila si Khamenei kung nagkaroon lamang ng pagkakataon na namataan siya sa kasagsagan ng mahigit isang linggong labanan nila ng Iran.
Matatandaan na sa unang araw ng 12 day of war na sumiklab noong Hunyo 13, napaslang ang ilang matataas na Iranian commanders at nuclear scientists.
Nagtapos naman ang air war sa pagitan ng Iran at Israel sa pamamagitan ng inisyatiba ng Amerika na ceasefire noong Martes, June 24.