-- Advertisements --

Tinamaan ng Israel airstrike ang isang ambulansiya sa Gaza City.

Sinabi ng Israel Defense Forces na ang nasabing ambulansiya ay may sakay na mga Hamas militants.

Itinanggi ito ng health agency sa Gaza at sinabing may sakay silang sugatan na pasyente.

Magugunitang kinondina ng World Health Organization ang pagtama ng Israel sa mga pagamutan sa Gaza kung saan maraming mga sibilyan na ang nasawi.