-- Advertisements --
Nakalabas na sa pagamutan si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu matapos na makaranas ng dehydration dahil sa heat wave sa kanilang bansa.
Ayon sa doctor nito na si Amit Segev ang director cardiology unit sa Sheba Medical Center na nilagyan ng heart monitor ang si Netanyahu noong ito ay nasa pagamutan.
Dagdag pa nito na walang anumang nakitang problema sa puso ng Prime Minister at normal lamang ang lagay nito kaya pinayagan na itong makalabas.
Magugunitang nitong Sabado ay dinala sa pagamutan sa Ramat Gaan si Netanyahu dahil sa dehydration.
Nitong mga nakaraang mga linggo ay umabot ng mahigit 30 degree celcius ang temperatura sa Israel na inaasahan pang magtuloy-tuloy ito sa mga susunod na mga araw.