-- Advertisements --
Pinayagan na ng Israel military ang pagpasok ng aid trucks at acces sa Gaza.
Subalit paglilinaw ng Israel na mayroong bahagyang paghigpit nila sa mga humanitarian aid trucks na pumasok sa Gaza.
Nanatiling binawalang makapasok sa Gaza ang United Nations Relief and Works Agency (UNRWA) para sa refugee ng Palestine.
Mayroong 6,000 na mga aid trucks ang nakahimpil sa kabilang border ng Gaza.
Magugunitang makailang ulit na nanawagan ang United Nations na dapat ay payagan ng makagalaw ng libre ang mga trucks na may dalang pagkain at gamot para sa mga biktima sa Gaza.
















