-- Advertisements --

Inakusahan ng Palestine na pinagbabaril ng mga Israel ang mga sibilyan na naninirahan sa Shadia Abu Ghazala School sa northern Gaza.

Ayon sa mga nakasaksing Palestino na basta na lamang pinagbabaril ng mga Israel ang mga biktima.

Kasamang mga nasawi ay mga bata at maging mga sanggol.

Depensa ang Israel na ang nasabing lugar ay pinagtataguan ng mga Hamas militants.