-- Advertisements --

Papayagan ng Israel ang pagpasok sa Gaza strip ng 2 fuel truck kada araw sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israeli forces at militanteng Hamas.

Ayon sa US State Department official, nasa 140,000 litro ng fuel ang papayagang makapasok sa bawat 2 araw.

Karamihan sa mga fuel na ipapasok sa Gaza ay nakalaan para sa mga truck na nagdadala ng tulong gayundin para suportahan ang UN sa pagbibigay ng tubig at sanitation.

Ang nalalabi naman ay para sa mobile phone at internet services na nawalan ng koneksyon dahil sa kawalan ng fuel.

Naging posible ang hakbang na ito kasunod na rin ng puspusang pressure mula sa Estados Unidos sa Israel para isulong ang fuel agreement.

Naantala naman ang naturang kasunduan dahil sa 2 kadahilanan. Una, sinabi ng Israeli officials sa US na hindi naubusan ng fuel ang southern Gaza at ikalawa, nais nilang makita kung magkaroon muna ng kasunduan para sa pagpapalaya ng mga bihag na nasa Gaza.