Napapalibutan na ng pwersa ng Israel ang pinakamalaking kabisera sa Gaza Strip kung saan target nito na lipulin ang militanteng grupong Hamas.
Ayon kay Israeli military spokesperson Rear Admiral Daniel Hagari, nakumpleto na ng kanilang tropa na mapalibutan ang Gaza city na siyang focal point ng Hamas terror organization.
Ibinahagi naman ni Brigadier General Iddo Mizrahi, pinuno ng Israel military engineers, nakaengkwentro ang kanilang mga tropa ng mines at booby traps.
Sinabi din ng Israel na ansa 18 sa kanilang sundalo at dose-dosenang militante ang napatay mula ng simulan ang pinalawig pang groun operations nitong Biyernes.
Samantala, kasabay nito ay nakatakdang pigain naman ng Estados Unidos si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu para pumayag sa humanitarian pause para makapasok ang mga tulong sa Palestinian territory.
Kaugnay nito, nakatakdang bumisita si US Secretary of State Antony Blinken sa Israel sa ikalawang pagkakataon sa loob ng isang buwan para makipagkita kay Netanyahu sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Israel military at Hamas.
Sa panig ni Blinken, tatalakayin nito ang konkretong mga hakbang para mabawasan ang pinsala sa mga sibilyan sa Gaza.
Sinabi naman ng White House na temporaryo o localized lamang sakaling magkaroon ng humanitarian pause at iginiit na hindi nila pipigilan ang Israel sa pagdepensa sa kanilang sariling bansa.