-- Advertisements --
Mas dinoble pa ng Israel Defense Forces ang kanilang ground operations sa Gaza strips.
Ayon sa kanlang tagapagsalita na si ear Adm. Daniel Hagari, na bukod sa mga offensive operations ay pinalawak pa nila ang kanilang ground operations.
Ilang daang libong mga sundalo nila ang nakakalat sa lahat ng mga borders ng estado sa air, ground at sea para maprotektahan ang Israel.
Pinabulaanan din nito ang naging pahayag ng Hamas na kanilang boluntaryong papalayain ang lahat ng mga bihag na hawak nila.
Dagdag pa nito na gumagamit ng psychological wars ang Hamas para maiba ang taktika ng Israel sa kanila.
Pagtitiyak naman ng US na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang negosasyon para tuluyang mapalaya ang mga bihag na hawak ng mga Hamas Militants.