-- Advertisements --
Nasa 50 interns ang ipinadala ng bansang Israel sa Pilipinas para sa gagawing agriculture training ng mga magsasaka sa ating bansa.
Tatagal ng nasa 11 na buwan ang naturang pagsasanay ng mga makabagong pamamaraan at teknolohiya ng bansa Isarel sa kanilang pagsasaka.
Ayon kay Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss ang kanilang matututunan sa naturang pagsasanay ay maaaring mai-apply ng mga ito sa pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura ng Pilipinas.
Una nito nagkaroon ang mga ito ng pre-departure briefing kasama si Fluss upang magbigay overview sa naturang programa.
Kung maalala, nauna nang ipinangako ni Ambassador Fluss kay Pangulong Ferdinand Marcos ang pagtulong ng naturang bansa sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura ng bansa.