-- Advertisements --
Lumipat na ang Israel ng kanilang pag-atake sa Rafah, ang southernmost city ng Gaza Strip.
Ayon kay Israel Defense Minister Yoav Gallant na natapos na nila ang kanilang misyon sa Khan Younis City kung saan nabura na nila ang Hamas militants.
Kumapal ang populasyon sa Rafah na matatagpuan sa border ng Egypt matapos na doon tumakbo ang mga tao dahil sa tuloy-tuloy na pagbomba nila.
Ipinagmalaki pa ng Israel army na mahigit 10,000 na mga Hamas fighters ang kanilang napatay at karagdagang 10,000 pa ang mga nasugatan.