-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Israel Defense Force (IDF) na kanilang tinamaan ang pangunahing security headquarters ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran.
Ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng malawakang pag-atake ng Israel sa Iran.
Dagdag pa ng Israel na ang headquarters ay doon isinasagawa ang synchronization unit activiites.
Doon din ginagawa ang mga situational assessments ng Iran na sila ang resposable sa pag-utos sa Basij Battalions.
Paglilinaw ng Israel na bago nila bombahin ang nasabing headquarters ay tiniyak nilang walang mga sibilyan ang masasaktan kaya naging mahigpit ang kanilang intelligence gathering.
















