-- Advertisements --
Inakusahan ng Israel ang Iran dahil sa paglunsad ng drone na umatake sa kanilang oil tanker sa karagatan ng Oman.
Tumama ang self-destructing drone sa Pacific Zircon, isang Liberian flagged vessel na affilliated tanker ng Israel.
Hindi naman napigil ang biyahe ng nasabing barko.
Ayon naman sa operator ng barko na Eastern Pacific Shipping na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa barko at walang anumang nasaktan sa mga crew.
Nagtamo lamang ng maliit na damyos ang barko dahil sa drone attack.