Nagkasundo ang Pilipinas at Israel na paigtingin ang collaboration ng dalawang bansa sa agriculture at water management, matapos ang pulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Israeli Foreign Minister Eli Cohen ng mag-courtesy call ito sa Malakanyang.
Nag-alok ang Israel sa Pilipinas ng kanilang expertise pagdating sa water management.
Ayon kay Cohen, malawak ang kanilang karanasan kung pag- uusapan ay water management na maaari nilang maibahagi sa bansa.
Sinabi ng Israeli Foreign Minister na 60 porsiyento ng kanilang lupain ay pawang disyerto subalit nagagawa nilang masustine ang pangangailangan sa tubig at dahil na rin ito aniya sa kanilang expertise sa water management.
Kasama sa alok ni Cohen ang pagpapadala ng Israeli expert na siyang magbabahagi ng mga kaukulang advice.
Sa panig naman ng Pangulong Marcos, welcome ang nasabing alok, nang sa gayon makakuha ng best practices ang Pilipinas sa larangan ng water management mula sa ibat- ibang bansa gaya ng Israel.
















