-- Advertisements --
Sasagutin ng gobyerno ng Israel ang mga gastusin sa ospital ng mga nasugatang Pilipino sa missile strike ng Iran.
Ito ang tiniyak ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss.
Aniya, makakatanggap ng tulong pinansiyal ang lahat ng nasugatang Pilipino at full medical support tulad ng ibang Israelis.
Sa kasalukuyan, base sa datos mula sa Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv, nasa pitong Pilipino na ang nasugatan sa Israel kabilang ang isang nasa kritikal at isang nasa moderate condition habang lima dito ang na-discharge na.
Sa kabutihang palad, wala namang naitalang Pinoy sa Israel na nasawi sa pag-atake ng Iran.
Mayroon namang 49 na Pilipino na nawalan ng tirahan dahil sa epekto ng missile strike at inilipat sa temporary accommodations.